top of page

BUTÓ

  • Writer: Bicolmail Web Admin
    Bicolmail Web Admin
  • 3 days ago
  • 2 min read

Ni Dr. Christian C. Vega


Karamihan sa mga buto, hindi sa tirik ng araw tumutubo, umuusbong ito ng tahimik sa lawak at lalim ng dilim. Mapalad ang ilang natangay ng hangin, mga natuka ng ibon, na nailalagak sa tamang lupa. Naging bagong mga Puno, nagbigay ng bunga, prutas, pagkain sa hapag at ang mahalaga may panibagong butong maitatanim.


Makasaysayang araw sa ating lahat!


May mga panahong, ramdam natin na animo’y napakahaba ng gabi, tahimik na nakikinig sa mga kuliglig, tumitingala sa langit, pinagmamasdan ang mga bituin, maswerte kung may dadaang bulalakaw at ikukuyom ang mga palad habang taimtim na ipinagdadasal ang pangarap, patungo sa hinihintay na tanglaw na sinag ng bukas. Iginuguhit natin ang ating buhay, sapagkat ito’y hindi isang pagkakataon, ito ay ating pinili.


Subukan nating ipikit ang ating mga mata, isipin kung anong buhay na ang aking nagawa? Ang inyong katayuan ngayon ay ang kalidad ng tunay na realidad, maaring mong baguhin at paunlarin.


Sa inyong pagtatapos, tanggapin ang katotohanan at suriin natin ang kaibuturan ng kagat na pagkatao dahil ito ang tanging puhunan upang magpatuloy. Minsan na tayong nadurog at nagkamali, subalit muling bumangon sa pagkakalugmok, gumaling ang mga sugat at nalagpasan ang mga matitinding balakid at pagsubok na may mapagkumbabang loob at patuloy na nagtitiwala!


Gamitin sa tama at angkop, kung ano man ang naidulot sainyo ng Pamantasan. Kapara ng mga kayamanan, maaaring magpakasasa sa paggamit nito, kailangan lang itatak sa isip na katulad ng bawat sentimo, isang beses lamang itong tiyak na magagamit. Maging daluyan kayo ng kapayapaan, katulad ng nangyayari sa mundo ngayon, animo’y panandaliang nakalimot na magparaya, dahilan ng pag-usbong ng bawat sigalot. Kung maramdaman mo man na hindi mo gusto ang mga nangyayari, dahil sadyang mapanghusga ang mundo at mga limitadong isip ng tao. Sa ganitong pagkakataon maaaring piliing magpaubaya, dahilang walang superyor na makakagapi sa iyo ng hindi mo pinahihintulutan! Isaisip na ang bawat brilliante ay mas mahalaga sa ginto.


Katulad ng mga umusbong na buto sa dilim, liwanag ang pangarap at ang ating panalangin!


Magbaba, Magbabad, Magdanlog!

Comments


bottom of page