Hindi ba Kataka-taka?
Hindi ba kataka-taka na sa loob ng napakahabang panahon ay ginagawang negosyo ng mga trapong politiko ang posisyon nila sa gobyerno? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit nagsama-samang sumusuporta sina Arroyo, Enrile, Estrada, Revilla at Duterte sa isang kandidatong hindi nagbabayad ng buwis, mamemeke at sinungaling pa? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na sa ating bansa napakadaling gawan ng kaso (trumped-up charges) ang mga pinag-iinitan ng gobyerno gaya ng nangyari sa ABS-CBN at kay Senador Leila de Lima? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na ayon sa estimate o tantya ng mga dalubhasa, P700 bilyon taon-taon ang nawawala sa gobyerno dahil sa korapsyon? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na may mga opisyal na balotang natatanggap ang mga OFWs na pre-shaded na at kung minsan wala sa balota ang pangalan ng isang kandidato gaya ng nadiskubre sa New Zealand? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na bigla na lang nanakot ang isang Comelec commissioner na ipahuhuli raw niya sa Armed Forces of the Philippines ang sino mang Pilipino na tumutuligsa sa gawain ng Comelec? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na karamihan sa miyembro ng Comelec ay mula sa Davao kung saan si Sara Duterte ang alkalde? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit nahihirapang ipagtanggol ni Bongbong Marcos ang nakaw na yaman ng kanyang pamilya kung saan siya ang administrador? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit tuwing halalan lang tayo naiisip ng mga kandidato, sinusuyo at binibigyan ng P500 o P1000 subalit pagkatapos ng halalan ay hindi mo na sila nakikita at tuluyang nakakalimutan ang mga ipinangako nila sa sambayanan? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit ang daming party list groups ngayong halalan na hindi naman kumakatawan ng mga underrepresented na sektor sa kongreso gaya ng mga kababaihan, mga manggagawa, mga magsasaka, mga kabataan, mga katutubo at iba pa? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na ayon sa mga mananaliksik, noong 2019 80 porsyento ng mga gobernador, 67 porsyento ng mga bise-gobernador, 66 porsyento ng mga kongresista at 53 porsyento ng mga alkalde ay nabibilang sa mga pamilya na tinaguriang political dynasties? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na ngayong taon ay pwedeng magkaroon ng dalawang magkapatid na Estrada at Cayetano sa senado, at may mag-amang Binay at mag-inang Villar sa senado? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit si VP Leni Robredo lamang ang tinatarget o binabastos ng mga bayarang trolls sa social media simula pa noong 2016 at ayon sa mga balita si Bongbong Marcos ang nakikinabang dito? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit si VP Leni Robredo ang pinupuna ng ibang kandidato sa pagka-presidente sa halip na si Bongbong Marcos na may mga isyu o mga paratang na hanggang ngayon ay hindi niya maipaliwanag sa mga mamamayan? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na maraming nahalal na politiko ay nakatira sa naglalakihang mga mansyon sa Forbes Park at Alabang ngunit si VP Leni Robredo, na naging kongresista at bise-presidente, ay nakatira kung nasa Maynila sa isang condo ng kanyang mga biyanan? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit pilit na binabago ng pamilya Marcos ang mga nangyari noong panahon ng Batas Militar gaya ng paglabag sa karapatang pantao, pagpatay sa mga aktibista, pagnakaw sa kaban ng gobyerno? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit si Imelda Marcos, na nahatulan ng korte noong 2018 sa pagkakasalang pagnakaw sa gobyerno (graft), ay hindi pa rin nakukulong kahit sentensyado syang makulong sa loob ng anim hanggang labing-isang taon? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit si VP Leni Robredo lang ang may maraming endorsers na mula sa iba’t-ibang sektor gaya ng mga guro, mga taong simbahan, mga unibersidad, mga magsasaka, mga artista, mga makata, mga estudyante, mga abogado, mga manggagamot at iba pa? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit ngayong halalan lang lantaran na nagsama-sama ang mahigit na 1,300 mga katolikong pari, obispo at diyakono sa buong Pilipinas para i-endorso si VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan kahit alam nilang tutuligsahin sila ng mga bayarang trolls sa social media? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na sa kauna-unahang panahon ay ngayong halalan lang ginagawang mural ng mga dalubhasa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang isang kandidato sa pagka presidente at binibigyan pa ng mga regalo ng mga mamamayan? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka na ngayong halalan lang may mahigit na tatlong daang celebrities at mga artista sa puting tabing at libo-libong boluntaryo ang aktibong kumakampanya para kay VP Leni Robredo nang walang bayad? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Hindi ba kataka-taka kung bakit ngayong lumalakas ang momentum ni VP Leni Robredo ay nirered-tag siya at bigla na lang lumalabas ang isyu na si Joma Sison daw ang isa sa mga advisers niya? Hindi ba dapat magising na tayo para sa bayan?
Dahil sa mga ito, hindi ako magtataka kung bakit pagkatapos nitong halalan sa Mayo ang huling lalaking nakatayo ay isang babae!
Comments