Wikang Filipino sa Panahon ng Globalisasyon
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda,” ayon kay: Gat Jose P. Rizal. Paano nga ba naipapahayag ang pagiging tunay na Filipino? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagsalita ng sariling wika? Ang Wikang Filipino ay ating Pambansang Wika. Ang wikang Ingles naman at ang pang-“internasyonal” o “pandaigdigang” wika. Kahit merong salitang Ingles para magamit kapag nakikipag-talastasan ang isang Filipino sa mga dayuhan, kailangang huwag nating kalimutan na meron tayong “Pambansang wika”—ang wikang Filipino. Totoo na sa ating modernong panahon ngayon ay marami na sa ating mga Filipino ang nagsasalita ng wikang banyaga; gayun pa man, hindi pa rin naikakaila na masarap pa ring isawika palagi ang “Filipino”- ang ating wikang Pambansa; dahil alam nating lahat na ito ay pamana sa atin ng mga nauna nating ninuno. Ang wikang Filipino ay may mga salik na ng wikang banyaga gaya ng salitang galing sa: Indonesia, Malaysia, Espanyol at maging ng mga dayuhang Intsik at Amerikano o Briton. Kaya lalong gumanda an gating wika sa kabila ng pagiging “bilingual” o “multilingual” sa pagdaan ng panahon. Sa panahon ngayon ng maunlad na teknolohiya, maaari pa ba nating maipahayag ang pagiging Filipino para makasabay tayo sa globalisasyon ng mundo? Oo, kaya nating mga Filipino. Una, sa paggamit ng wikang Filipino. Kahit ginagamit natin kadalasan ang Ingles, puwede pa rin nating maipakita ang pagiging Filipino sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong “sariling-atin.” Ika nga, “Buy Filipino” sa wikang Inglees. Pahalagahan at ipag-malaki natin ang mga “produktong-Filipino” para lalong umangat ang “Pambansang –turismo.” Ang mga Filipino ay matagal nang napatunayan na nakasabay na sa “pandaigdigang-kumpetisyon” kahit sa anong larangan dahil noon pa man ay naihanda tayong maging “globally-competitive.” Pero maging an gating wikang Filipino ay nakasabay din sa panahon ng globalisasyon dahil marami na ring mga dayuhan ang nagsasalita at nag-aral ng ating wika. Matatawa ka at mamamangha kapag narinig mo silang magsalita ng ating wika dahil magaling din sila magsalita nito. Sabi nila: “nagsasalita po kami ng inyong wika para ipakita an gaming respeto sa inyong kultura.” Talagang kahit ang mga dayuhan ay sumang-ayon sa mga “paniniwalang-Filipino” dahil sa aksyon nilang ito. Maging ang mga dayuhanay ni-respeto din natin dahil sa ginawa nilang paggalang sa ating wikang pambansa. Magandang pakinggan na maging ang mga bansa sa buong mundo kahit magkakaiba ang wika ay nagkakaroon ng pagkaka-intindihan at pagkakaisa. Sa pangkalahatn, masasabi nating ang wikang Filipino ay lalong uunlad sa panahon ng globalisasyon ngayon. Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Pilipinas!