Ako ito… kailangan ang gabay ninyo
Ni Gregorio Marcial P. Atole Jr.
Sa mundong ating ginagalawan ang pagbabago ay bahagi na ng ating buhay.Minsan pansamantala lamang ang lahat.Likas rin sa mga tao ang may angking talino at kakayahan kung kaya maraming mga makabagong teknolohiya ang patuloy na lumilitaw.Kakaibang karanasan at kaginhawahan ang dulot nito sa tao.
Maraming mga tao ang yumakap sa dulot ng makabagong teknolohiya.Nagsulputan naman ang mga gadgets na naayon sa uso.Wala ng imposible kung may mga nais kang malaman o matuklasan dahil kahit cellphone ang gamit mo kaya mo itong gawin.Malawak ang usapin na ito,subalit nais ko na bigyan natin tuon ang paggamit ng cellphone ng mga mag-aaral.Halos lahat ng mga mag-aaral makikita mo na may dala-dalang cellphone sa paaralan.Sa tingin ko,ang mga magulang ay pinapayagan na gumamit nito ang kanilang mga anak para sa madali ang pakikipagkomunikasyon sa mga anak.Isa pa magagamit rin ito sa pagsasaliksik ng mga nais nilang malaman na makakatulong sa kanilang pag-aaral.Datapwa’t naabuso ng mga mag-aaral ang paggamit ng cellphone sapagkat minsan napapabayaan na ang pag-aaral higit sa lahat ang kanilang sarili.Mahirap kapag nalulong sila sa online na mga laro sapagkat pisikal nilang pagkatao ang makikita mo subalit ang totoo ang isipan nila ay nasa mga laro sa cp na kinahuhumalingan nila.Hindi lang ang pag-aaral ang naaapektuhan kasama rin dito ang kanilang kalusugan.Nakakaligtaan na minsan na kumain para hindi maputol ang paglalaro.Mas nagiging madaling dapuan ng sakit dahil humihina na ang kanilang resistensiya.Isa pa ang social media,naniniwala ako na kailangan ang gabay mula sa mga magulang sa pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa ibang tao na hindi naman nila kakilala ng personal.Maraming kabataan ang nabibiktima ng masasamang loob gamit ang social media.Hindi ito dapat ipagsawalang bahala lamang dahil seryosong isyu na karaniwang nabibiktima ay mga kabataan.Maaaring wastong gabay ,edukasyon sa paggamit ng cp at tamang pakikipag ugnayan ang kailangang ituro sa mga mag-aaral at mga kabataan.Sa ganitong paraan ,maiiwas natin ang mga mag-aaral at mga kabataan sa kapahamakan na dulot ng maling paggamit ng social media.Mas maganda rin kung ang mga anak ay may bukas na komunikasyon sa kanilang mga magulang dahil mas malalaman ng mga magulang ang mga ginagawa ng mga anak at higit sa lahat ang kanilang mga saloobin.Malalaman nila kung ang mga anak nila ay may pinagdadaan na suliranin sa buhay.
Mahalaga ang papel ng magulang ,kaibigan at guro sa paggabay ng mga mag-aaral at mga kabataan.Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ,wala ring tigil ang pagbabago sa mga kabataan.Kung kaya’t tayo bilang magulang at guro dapat mulat ang ating mga mata at bukas ang isipan sa bawat kilos at pagbabago ng ating mga anak at mag-aaral.Mahalaga rin ang mga kaibigan na nakapalibot sa mga kabataan ay magdudulot sa kanya ng magandang impluwensiya.Ang bawat isa ay kailangang maging responsableng mamamayan sa ating bansa,mag-aaral,kabataan o mga matatanda man iyan.Lagi nating piliin ang landas na magdadala sa ating tagumpay at hindi sa daan patungo sa kapahamakan.Gamitin natin ang ating isipan at puso para hindi tayo magkamali sa buhay.Huwag nating hayaan na maloko tayo ng mga taong mapagsamantala.Maging bukas tayo sa mga pagbabago.
Maging kabataang Pilipino tayong may pagmamahal sa bansa,bayan,kapwa tao at sa Poong Maykapal. Kabataang may pakialam,may malasakit at pagmamahal sa bayan.Patunayan natin na hindi nagkamali ang ating Pambansang Bayani na si Dr.Jose P.Rizal na “Kayo ngang kabataan ang pag-asa ng bayan”.Kayo ay magsisilbing huwaran sa mga susunod na henerasyon ng ating bansa.
Comentários