Al: Tulay sa karunungan o tukso sa katamaran?
- Bicolmail Web Admin

- 6 days ago
- 2 min read
Ni Nathaniel Solaces
Sa makabagong panahon ng teknolohiya, isang bagong “kakampi” ang sumulpot sa loob ng mga silid-aralan: ang Artificial Intelligence o Al. Mula sa pagsusulat ng sanaysay hanggang sa paglutas ng komplikadong equation, tila naging instant tutor na ito ng marami. Ngunit sa likod ng bills at talino nito, isang mahalagang tanong ang dapat noting harapin: Nakatutulong nga ba talaga ang Al, o unti-unti nitong pinupungos ang kakayahan ng mga estudyante?
Ang Bilis na Dulot ng Teknolohiya
Hindi maikakaila ang positibong hatid ng Al sa aspeto ng produktibidad. Para sa mga estudyanteng “na-drain” na ang utak sa dami ng. gawain, ang Al ay nagsisilbing balon ng mga ideya. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga balangkas para sa proyekto, pagpaplano ng mga presentasyon, at pagpapaliwanag ng mahihirap na takdang-aralin.
Bukod dito, epektibo rin itong katuwang sa pagrerepaso. Dahil hind! limitado ang paksa nito, maaari mo itong gawing practice partner na magbibigay ng mga pagsusulit tungkol sa iyong mga asignatura. Dahil sa bilis nitong sumagot, mas napapadali ang pagtapos sa mga gawaing dati ay inaabot ng maghapon.
Ang Patibong ng Pag-asa
Ngunit gaya ng anumang gamot, may side effect ang moling paggamit ng Al. Dito pumapasok ang panganib ng katamaran. Kapag ang isang estudyante ay naging dependent o masyadong umasa sa Al, nawawala na ang kritikal na pag-iisip. Hindi na natutufo ang mag-aaral na mag-analisa dahil “copy-paste” na lamang ang nagiging solusyon.
Isa pa sa dapat bantayan ay ang tinatawag na Al hallucinations o ang pagbibigay ng Al ng mga impormasyong tila totoo pero mali pala. Dahil sa mabilis na pag-reply nito, modelling mahulog ang mga estudyante so moling impormasyon na maaaring magresulta so moling pagkakaunawa so leksyon.
Balanse: Ang Susi so Tamang Paggamit
Hindi natin kailangang talikuran ang teknolohiya, ngunit kailangan noting matutunan ang disiplina. Ang Al ay dapat ituring na kasangkapan (tool) lamang, hindi kapalit ng utak.
Mainam pa rin na gawing pangunahing basehan ang mga librong ibinigay ng paaralan at ang turo ng mga guro. Ang mga ito ang pundasyon ng totoong kaalaman na hindi kayang tapatan ng anumang algorithm. Sa hull, ang Al ay narito upang tulungan tayong matuto, hindi para turuan tayong huminto sa pag-iisip. Gamitin natin ito sa tamang paraan—bilang gabay, hindi bilang pangunahing takbuhan.














Comments