Ang Wika ay Hindi Laging Papunta sa Pag-unawa

“Dai po siya tatao mag-Bicol. English lang po ang aram.” (Hindi po siya marunong mag-Bicol. English lang po ang alam.) Ito yung sagot ng isang EduCare Teacher nung minsang pumunta kami sa isang EduCare Center para magbasa ng isang pambatang libro at magturo ng pagtatanim ng gulay sa containers sa mga apat hanggang limang taon na gulang na learners.
Tila namamangha ang karamihan sa mga batang tulad ng nakasalamuha namin. “Bata pa marunong na mag-English.” Yung iba natatawa na may kasamang puna, “Stateside yan! Imported!” Madalas sinasabing dahilan ay babad ang bata kakapanood sa internet o sa social media.
Paano kaya tayo nakarating sa punto ng pag-iisip na ang kakayahang magsalita ng English ay isang “talento” o sukat ng galing ng isang bata? Anong “thought process” ba ang dinaanan niyan? Ano ba ang tamang reaksiyon sa ganung kalagayan ng bata?
Kasabay ng ganitong mga kuwento ang bagsak na performance sa pagbabasa ng mga batang nasa Grade level 1 hanggang 3. Ang ibig sabihin nito pagtungtong ng Grade 4, nahihirapan o mahina pa ring magbasa ang bata.
Magaling magsalita ng banyagang wika pero mahina magbasa. Paano ba natin reresolbahin ang taliwas na direksiyon ng dalawang kakayahan? Totoo, hindi naman talaga ibig sabihin marunong magsalita, magaling na magbasa. Hindi lagi’t lagi ngunit ang dalawa ay malinaw na magkaugnay. Ang wika at pagbabasa ay patungo sa pagiintindi at pag-unawa ng mga bagay.
Nung minsan may midterm exam ang hawak kong klase sa Ateneo de Naga University. Kadalasan English language ang gamit naming. Sa kalagitnaan ng exam, may isang estudianteng lalake lumapit sa akin. Medio nahihiya ang tono niya, “puede po sir i-Bicol ko na lang ang answer ko dito sa exam?”
Pinayagan ko ang estudainte kahit sa Bicol ang sagot, nagpasalamat siya, at bumalik sa kaniyang upuan. Fast forward, matino at okay naman ang mag nakuha niyang score. Hindi naman ako strikto pagdating sa mga bagay na mas madadalian ang estudiante magpaliwanag gamit ang ibang wika, hindi rin naman English ang subject namin.
Bakit pahihirapan pa natin kung puede naming simplehan ang bagay, iwasan ang pag-komplika sa mga naririnig, sinasabi, at mga samo’t saring kilos o gawa na nagpapalayo sa pag-unawa. Ang unang intensyon sa wikang ginagamit ay linaw sa pag-intindi ng bawat isa sa usapan.
Di ko pa rin maipaliwanag kung bakit bahagi noon ang mother tongue sa pag-aaral aguat pero mas lumaki ang agwat ng pag-unawa sa wikang ginamit. Balikan natin ang mga batang sanay sa English, naisip ko lang, pano ba siya maiintindihan ng kanyang mga kaklase? Di kaya iiwasan siya kasi di siya maintindihan ng iba? Na kakaiba siya?
Hindi ko sinasabi na masama ang ibang wika kundi kailangang malinaw sa atin kung bakit natin ito ginagamit, ang pagbabahagi ng mensahe sa pakikipagtalastasan, kuwentuhan o simpleng pag-uusap na ang hangarin ay maging mainam ang araw-araw dahil may malinaw na pag-unawa. Maski pa Bicol ini, ta kung ano baga ngani ang magkakasabutan kita, iyo yan ang gagamiton tang tataramon o linguahe.














Comments