top of page

Banig at Kumot

  • Jul 18
  • 2 min read

Ni: Dr. Christian C. Vega


Malamlam na mata, mahinang kalamnan, kalog na tuhod, maputlang balat. Araw-araw na napapansin ito ng amang si Rene sa kanyang anak na si Marie. Sa likod ng bahay, pasimpleng nagpapala ng maliit na butas hanggang maging parihabang hukay si Rene.


Sa pagdaan ng mga araw lumalalim ng lumalalim ito. Dito laging inaalok si Marie upang maglaro at kumain. Dala ang hingaan at kumot ay kinukwentuhan ng mga masasayang mga bagay ng Ama ang kanyang nag-iisang anak. Dito rin, inilalakbay ang diwa sa mga pangarp ng anak na si Marie. Dahilang bawat araw ay palagian na siyang inaalok ng kanyang anak para sa isang bagong laro at panibagong kwento ng buhay. Dala muli ang banig at kumot habang dahan-dahang pinapaypayan ang anak ng kanyang Ama. Bagong kuwento, bagong pangarap at bagong pag-asang dapat na maabot. Paunti-unti ring inilalakbay ni Rene sa tunay na takbo ng realidad ng buhay si Marie. Dumating ang araw na animo’y lantang-gulay at hinang-hina ang kanyang anak, ngunit bakas parin na ipinapakita ang maaliwalas na ngiti ng kanyang ama. Iba ang araw na ito, sapagkat, bukod sa kwento ay may himig na naririnig si Marie na patuloy niyang nauulinigan hanggang sa paglaho ng kanyang pandinig hanggang sa hindi niya mapakinggan ang tinig ng kanyang Ama.


Anak, batid ko, naging mahaba na ang iyong laban sa sakit na kanser na kailanma’y ipinagkait kong malaman mo, dahilang hindi ko nais na mabago ang positibo mong papanaw sa kakarampot na panahon na inilagi mo sa mundo. Baunin mo ang bawat kwento at ang aking pangarap saiyo. Matagal mong magiging tahanan ang hukay na ito, napasakit man subalit sinanay na kita at alam kong sa muli nating pagkikita kukwentuhan parin kita. Nandito lang ako.

Comments


bottom of page