top of page

Butil at tangkay

Ni Dr. Christian C. Vega


Agrikultura gulugod ng ekonomiya

Sumisibol ang katas ng ating pag-asa

Saan man tingnan, palibot ay luntiang taniman

Sakripisyo’t pawis, maaalala magpakailanman


Maghapon sa sakahan, masakit sa buong katawan

Magsasaka’y walang kapaguran para sa kinabukasan

Bawat buto’t tangkay, sa lupa’y pinapabuhay

Sama-sama ang bayan sa makikinabang!


Sa pagsasaka, tayo ay nagkakaisa

Dala ang adhikain na umunlad tuwina

Buhay ng magpapalay, mais, at gulay

Tagumpay kung iisipin dito’y makakamtan


Alisin na ang tatak ng pang-aapi sa kultura

Sa bukid ng agrikultura, puro ang ganda

Kulay luntian, ligayang dulot sa puso’t isipan

Pagdukal ng lupa sa Tubong butil na sasagip sa sikmura!


Comments


bottom of page