Gyera pa rinsa Bethlehem, Birthplace ni Jesus
Sa buong kasaysayan ng mundo, isang kaganapan ang may pinakalamalakas at may long-lasting na impact sa sangkatauhan. Iyan ang kapanganakan ni Hesus. Anuman ang ating relihiyon, pananampalataya o paniniwala, hindi maikakaila na ito - na pinaniniwaalaan ng mahigit kalahati ng populasyon ng mundo - ay ang pagdating ni Hesus, anak ni Maria at ng kanyang ama-amahan sa katauhan ni Jose.
Ipinanganak sa Bethlehem, isang bulubunduking bayan na agrikultural at may simpleng pamumuhay na nasa West Bank bahagi ng Palestine ay siyang sentro ngayon ng gyera ng Israel at mamamayang Palestino. Ang Bethlehem ay malapit sa Jerusalem, ang sentro naman ng kapangyatrihan ng Israel. Hanggang ngayon, gyera pa rin sa Bethlehem, at sa buong Palestine kasama ang Israel.
Sa katunayan ay cancelled o kanselado ang pagdiriang ng Pasko sa Bethlehem.
Merry Christmas and Peace to all at Christmas ay isa pa ring pangarap mismo sa lugar ng kapanganganak, at kinalakihan ni Hesus Kristo.
Isang napakasakit na irony o kabalintunaan. Nakakalungkot at syang nagiiwan ng malaking hamon sa bawat nilalang na Kristyano sa mundong ibabaw.
Irony
Ayon sa Bibliya, itinalaga ng Ama sa Langit na maging Ama ay si Joseph mula sa angkan ng David, para itaguyod si Maria na nagdadalantao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Holy Spirit at iligtas sa Haring Herodes na naghangad na patayin ang sanggol n nasa sinapupunan ni Maria. Ito ay si Baby Jesus, na ninais ng brutal na Hari ng Judea na papatayin dahil sa itong threat o banta sa kanilang kapangyarihan sa Emperyo Roman.
Dahil dito, napilitan sila Maria at Hesus na tumakas. Sakay ng isang donkey o buriko sa Tagalog, bumyahe sila - gabi at araw- at naghanap ng ligtas na lugar. Ayon sa ilang kwento sa Bibliya, tumagal ng limang araw ang kanilang paglakbay mula Nazareth, na 105 kilometro sa Jerusalem. Nakarating sila sa Bethlehem ay nasa taluktok ng bundok (hilltop) malapit sa disyerto ng Judea, at Jerusalem.
Dito ipinanganak si Hesus, sa isang sabsaban sa Bethlehem, madilim, malamig at walang malapit na kahit anung tirahan. Ito ang Bethlehem, na isang syudad at kilalang merkado ng mga produktong agrikultural sa Judea.
Ito ang Bethlehem, ayon sa Kristyanismo, ang nakilalang kapanganakan ni Hesus na Tagapagligtas ng Sankatauhan.
Ang Bethlehen ay malapit it sa Jerusalem kung saan nagsimulang gumala si Hesus bilang teen-ager mula sa Nazareth, isang maliit na baryo sa Galilee kung saan isang simpleng karpintero ang kanyang ama-amahan na si Jose. Ang mga lugar na ito ay kinamulatan ko na mula pa elementarya hanggang haiskul sa Malate Catholic School at St. Joseph Academy sa Manila.
Kausap ko ang aking apo, si Lyme, na isang bright and active 10-year-old English-speaking boy na naninirahan ngayon sa Bahrain at kinuwento ko na ito ang simpleng kapangananakan ni Hesus. Hindi sa ospital na kasama ang doktor at mga nurses o sa banig na may kasamang komadrona. Iniluwal siya ng kanyang Mama Mary, katulong si Papa Jose.
Ang Bethlehem ay agrikultural, sa panahon ng kapanganakan ni Hesus, mayroon mga 1000 tao lamang ang naninirahan, karamihan ay magsasaka, mga shepherds at mga artisano, mga karpintero at maglalako ng mga gawa-sa-kamay na mga produkto o handicrafts.
Si Hesus ay mula sa mahirap, lumaki sa hirap at niyakap ang pangarap ng mahihirap na lumaya at magwagi sa kahirapan. Ang Bethlehem ay naging simbolo sa pangarap na ito. Bethlehem, mga 10 kilometro lamang ang layo sa Jerusalem, na sentro ng gobyerno ng Israel na laban sa pakikibaka ng mga Palestino na magsarili bilang isang estado.
Pangarap
Isa sa mga pinapangarap kong destinasyon na bisitahin sa aking senior years ay Bethlehem, the Holy Land at ilang Biblical sites. Ayon sa ilang kaibigan ko sa Tourism indutstry, ang Bethlehem ay bukas sa m ga Kristyano na nais bumisita. Pero, at “your own risk!” Isa itong popular na destination site sa mga turista. Pero dapat, ay “you should be aware of the current political situation and follow any travel advisories in place.”
Jerusalem at Bethlehem hindi kasama isa isang bansa. Jerusalem ay kapital ng Israel, at ang Bethlehem ay nasa West Bank, sa ilalim ng kontrol ng Palestinian. Bethlehem ngayon ay simbolo, hindi ng kapapayapaan at pagmamahala o kapanganakan ni Hesus.
Nakakalungkot. Pero malaking hamon para sa lahat na ipanalo ang nararapat at matwid. Sa buong Christendom, Merry Christmas! Peace and love be with us all!
Comentarios