Historical commission unveils marker in Canaman church
By Myrna S. Bermudo
In recognition of the parish’s contribution to history and the growth of the Catholic Faith, the National Historical Commission of the Philippines (NCHP), unveiled a National Historical Marker at the Our Lady of the Assumption Parish in Canaman.
“The newly-unveiled Historical Marker is a lasting testament to our shared journey as a people, “ said the parish on its social media page. “As the marker narrates the history of our Church’s edifice, may we also see in it our history as a town and as a people.”
The marker was unveiled on November 9 at nine in the morning in Canaman, Camarines Sur.
A program was held in front of the Canaman parish church. Present were Caceres Archbishop Rolando J. Tria Tirona, OCD, Hon. Mayor Nelson Legaspi, Rev. Fr. Martin Felix Penetrante, parish priest, heads of government agencies, pastoral council officers and members, Pambansang Komisyon ng Pangkasaysayan OIC Director Carminda Arevalo, Supervising History Researcher ng Pambansang Komisyon Ng Kasaysayan ng Pilipinas Ian Christopher Alfonso, Fr. Nunilon Bancaso and Canaman residents.
In his opening remarks, Fr. Penetrante said that “Our Lady of the Assumption Parish has been present in the journey of the people of Canaman. Binibigyan niya tayo ng mga biyaya galing sa Diyos. Simula 1500 hanggang ngayon, napakarami niyang pinagdaanan. Napinsala ng lindol noong 1842, inayos, 1845; nasunog 1856. Inayos muli 1877. Napinsala ng bagyong Sening Oktober 1970. Muling inayos 1978 dahil sa ambagan ng mga taga Canaman. Maraming pinagdaanan pero muling nakabangon dahil sa mga tao. Ang Simbahan ay kasama natin. Tayo ay kasama niya. Kaya, magandang bigyan pagkilala at honra ang simbahan ng Canaman. Ikuwento po ninyo sa inyong pamilya ang kasaysayan ng bayan natin.
Archbishop Tirona, Director Carminda Arevalo, Ian Christopher Alfonso, Reynata Trafe and Fr. Nonito Bancaso, unveiled the historical marker.
OIC Director Carminda Arevalo explained the reason for the historical marker: “Isa ang simbahan ng Canaman sa pinaka matandang parokya hindi lamang ng Bikol kundi sa buong Pilipinas. Bagaman mukhang bago, matayog pa din ang matandang pader ng kampanaryo tila lumalaban sa pagdaan ng unos at lindol. Ang paglalagay ng panandang kasaysayan ay pagkilala sa papel na ginampanan nito hindi lamang gusali na pangrelihiyon kundi bilang makasaysayang pook ng Pilipinas.”
BEDROCK OF FAITH, WITNESS TO HISTORY The NHCP National Historical Marker of Our Lady of the Assumption Parish in Canaman was unveiled by (from left to right): Ian Christopher Alfonso, Reynata Trafe, NHCP OIC Director Carminda Arevalo, Caceres Archbishop Rolando Tirona, OCD, Fr. Martin Felix Penetrante, parish priest and Fr. Nunilon Bancaso
Director Arevalo narrated important highlights in the history of Canaman: “Mababasa natin sa nakasulat sa panandang kasaysayan na ang simbahan na dito ay naggiit ang mga paring sekular na pamahalaan ang mga mananampalataya ng Canaman noong panahon ng Español. Nakarating pa sa hari ng Espanya ang isyong ito. Nakakamangha ang haba ng panahon ang paggiit ng mga pari rito sa Canaman na pamahalaan ang sariling parokya. Ito rin ang ipinaglaban nina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Namatay man ang GomBurZa, nabuhay naman ang damdamin ng sumusunod na henerasyon tulad nina Rizal at Bonifacio na isulong ang pagkapantay -pantay ng tao at ang paglaya at pagsasarili ng Pilipinas. Kasabay sa pagsilang ng bansang Pilipinas noong 1898, lumakas lalo ang kampanyang ilipat sa mga paring secular ang mga parokya. Sila ngayon ay tinatawag na paring diocesano dito sa Pilipinas.”
“Noong digmaang Pilipino Americano, ang Canaman ay kasama sa unang dinaanan ng mga Amerikano sa pagpasok nila sa Kabikolan sa pamamagitan ng ilog Bicol noong ika-22 Pebrero, 1900. Bilang tugon,sinunog ng Hukbo ng Unang Republika ng Pilipinas ang simbahan ng Canaman upang pagkaitan ang mga bagong mananakop ng pagkukutaan.
Makalipas ang halos apat na dekado, sinakop ng mga hukbong Hapon ang simbahan upang gawing imbakan ng mga armas noong 1944. Nang sumunod na taon, nabawi ito ng mga guerilla sa Kabikolan na tinawag na Tangcong Vaca. Ito ay nauna nang binigyan ng NHCP historical marker noon 2017.”
Dr. Danilo Gerona, a historian who hails from Canaman, was acknowledged for his contribution in guiding the NHCP find the evidences in studying the history of Canaman.
Archbishop Tirona signed and accepted the certificate of the historical marker for the parish of Canaman. It was witnessed by Mayor Nelson Legaspi, Parish Pastoral Council Chairman William Ragodon and Fr. Nunilon Bancaso.
Archbishop Tirona expressed his gratitude to NHCP and underscored the importance of memory and caring for the faith development of parishioners:
“Nag-uumapaw ang aking puso sa historical event na ito. Binibigyan diin ng simbahan ang kasaysayan. Sa simbahan, palaging pinag-uusapan ang kasaysayan ng kaligtasan. Kasaysayan ng kaligtasan ay nakapaloob sa kasaysayan ng tao. Naka-ugat ito sa takbo ng buhay ng tao. Ang simbahan ay nagpapa- alala sa atin ng katotohanang ito. Napakahalaga ng kasaysayan. Ito ay isa sa ina- aalagaan natin ay ang alaala or memory. Isa sa kinakatakutan natin ay mawala ang memory. What is humankind without memory? It is very important. We become soulless. Ang alaala ng nakaraan ay tinutulak tayo sa renewal. Makaka-asa kayo sa pagtanggap ko.Ipina pangako namin na aalagaan namin ang dambanang ito. Hindi lamang ang edifice kundi maging isang tunay na simbahan ng mananampalataya. Isang simbahan na buhay dahil sa pananampalataya ng mga tao.”
Comments