top of page

Isang koponan na higit pa sa nagkakaisang komunidad

  • Writer: Bicolmail Web Admin
    Bicolmail Web Admin
  • Jul 26
  • 2 min read

Ni: Dr. Christian C. Vega


Palagi nating naririnig.

Kapag may pangit may maganda.

Kung may matangkad, may mababa.

Kapag may maliit may malaki.

May maputi at Maitim.

May Mabaho at may mabango.

May Talo at Nanalo!


Sa likod ng mga ito palaging may kaakibat na paliwanag, maaaring pahiwatig o isang balidong rason na walang nakakahula at makakatukoy ng sagot, sapagkat minsan hindi nararamdaman ang lamig kung walang init! Parang hindi kompleto ang sago kung walang gulaman, animo’y anghang ng sili sa laing na nagpapasarap sa bawat subo ng kanin.


Sa konteksto ng kulturang minsan ng nakasanayan. Madalas nating binibigyan ng pagkilala kung sino ang nagkamit ng medalya. Kung sino ang pumaldo sa grado at naghakot ng kampeonato. Mataas ang antas ng pagkilala sa mga sertipiko o kalatas na napapatunayang imbalido. Hindi ba’t korapsiyon ito sa tanglaw ng talinong itinuturing ng ilan na totoo?


Basagin ang prinsipyong ito. Imulat ang mata sa pagnanakaw ng katas na hindi patas. May kasabihan nga na “hindi lahat ng sinasabitan ng medalya at maituturing nating Kampeon”. Ang mga lumalaban ng patas sa anumang lente ay kampante. Subalit itatak natin na sa pagkatalong ito, malaki ang bakas at iniiwang pagkatuto. Mga karunungang hindi dapat ikinakahon at ikinakabaong. Ipukol sa isip na sa susunod mas gagalingan na natin ang hampas at dribol ng bola. Mapangahas, maingat at mabusisi.


Itarak, itatak at isabuhay na ang pinaparangalan ay hindi lang dapat ay ang mga may gantimpala sa lahat ng larang, kundi pati na rin ang mga nag-ambag sa makabuluhang kaganapang sa anumang pangangailangan ng lipunan at ituring na pagsasama-sama ng higit pang mayroon na magpapatunay na tayo’y hindi lamang koponan, tayo ay nagkakaisang komunidad na may pangangailangan sa katotohanan.


Mata na! Aga na! Maglabar, magmomog, maghangos asin magpadagos.

Comments


bottom of page