top of page

KOLOR

Ni: Dr. Christian C. Vega


Pula, kahel, dilaw, berde, lila, bughaw at asul

Bahaghari ng pamumukadkad,

Sa bawat imahinasyon pinapalakad.

Gulo sa isip tungo sa dibdib

Kinikitil, binabaon hanggang yungib!


Tukso, lait, pang-aapi, samo’t saring negatibo

Kapalit progresibong positibong produkto

Dinudukha ang sarili, makatangap lang ng papuri

Baka nanaginip ka? Maging mapanuri na!

Iwaglit ang tradisyunal na kahapon, magmahal na ngayon.


Binuksan ang pagtanggap ng lipunan

Sakupin man ang sangkalibutan

Laganap saan mang dako

Kapara pa ng likong pako

Hindi pagagapi, itaga man sa lipi!


Maging totoo saiyong pagkatao

Diyos ang may likha at regalo saiyo

Pahalagahan ang hiram na buhay mo

Dahilang ikaw bukod-tangi kahit kanino

Dalihis man ng dugo ay berde, subalit dikalibre!


Pumina man sa kaliwa o kanan

Patunayang bahagi ka ng kinabukasan

Papandayin ang pundasyon sa anino ng iyong kulay

Itatarak sa kasaysayan hanggang ika’y humimlay

Sa tahimik mong kaparaanan ng konsenyang walang nasagasaan!

bottom of page