Maribel ANDAYA, hindi madadala sa pang-gigipit ng kalaban

Patuloy ngayon sa pagkampanya ang kandidatong Congresswoman ng Primer Distrito ng Camarines Sur na si Maribel Andaya. Sa gitna ng mga pang-gigipit sa kanya ng kanyang mga kalaban na naghain ng “disqualification case” laban sa kanya, ayon kay Andaya, hindi magiging hadlang upang ipagpatuloy nya ang “Serbisyong May Puso” sa kanyang mga kababayan sa Primer Distrito. Sa pakikipagpanayam nito sa media, sinabi pa ni Andaya na sa kabila ng kaliwa’t kanang pang-gigipit, paninira at fakenews, ay hindi naman siya apektado nito. Samantala bumuhos naman ang suporta ng publiko kay Maribel ANDAYA. Ayon kay Mayor Lilian Gagay Matamorosa ng bayan ng Lupi, mas pang lumakas ang suporta at simpatiya ng mga tao para kay Andaya dahilan sa maliwanag na paglabag ng mga kalaban nito sa karapatan ng taumbayan na pumili ng kandidatong nararapat at napupusuan nila. Sa natitirang mga araw ng kampanya patuloy sa pag iikot at pakikipagsalamuha si Andaya sa kanyang mga kababayan na mas lalong ikinatuwa at nagbigay ng inspirasyon sa kanyang mga taga suporta na ituloy at ipanalo ang laban.