MARIBEL ANDAYA, Opisyal na Kandidato para Congresswoman ng Primer Distrito ayon sa COMELEC Camarines


Pinagdiinan kanina ng Comelec Camarines Sur na ang Kandidato para Congresswoman ng Primer Distrito na si Maribel Andaya ay patuloy pa rin sa pagiging “official candidate” ng halalan sa May 9, 2022. Pinabulaanan din ng Comelec ang mga naglabasang balita mula sa kampo ng kalaban ni Andaya na diumano’y nagsasabi ito’y disqualified na... Ayon kay “Comelec Camarines Sur Spokesperson” Attorney Ednalyn Garcia Referiza, si Maribel Andaya ay patuloy pa sa pagiging “official candidate” sa mga oras na ito hangang sa araw ng eleksyon ... ang balitang ito, ay lubos naman na ikinatuwa ng mga suporter ni Andaya, samantalang ang mga ginagawang panggigipit ng inihaing “disqualification case” ng mga kalaban ni Andaya laban sa kanya, ay diumano’y paraan lang para agawan ng karapatan ang taong bayan para pumili ng nararapat na kandidatong napupusuan nila.

Samantala lubos naman na nagpapasalamat si Maribel ANDAYA sa pagbuhos ng suporta mula sa kanyang mga kababayan sa Primer Distrito. Ayon kay Andaya hindi siya patitinag sa mga panggigipit at paninira ng mga kalaban nya. Patuloy niyang ipaglalaban ang tunay na mandato ng Primero Distrito.


Si Maribel Andaya ay anak ng yumaong Congressman ng Primer Distrito na si Rolando Andaya Sr., at siya ay ang nakababatang kapatid ni dating Congressman at ngayon tumatakbong Governor ng Camarines Sur na si NONOY ANDAYA.