top of page

Monumental ang Tagas ng Dusa sa Hindi Hinog na Panahon

  • Writer: Bicolmail Web Admin
    Bicolmail Web Admin
  • Sep 13
  • 1 min read

Ni Dyanara B. Azaña


Sa sikolohiya, ang positibong pananaw ay palaging naididikit sa negatibong atraksyon. Sa balanse, equilibriyum at batas ng ekonomiya mataas marahil ang suplay kaya mababa ang pangangailangan. Dito marahil iginuguhit ang batayan ng kapalaran ng tao dahilan ng pagdausdos pwersang positibo na higit kailanan man ay hindi pagagapi sa anumang negatibo.


Marahil malalim na ang talinghaga ng talakay na ito, gawin nating simple na ang bobot na bayabas kailan man hindi makakamit ang lasang matamis kahit anong pilit at ipangalandakang hinog sa lente ng nakatitig at tinititigan.


Ang paghintay sa tahimik at mapagkumbabang kaparaanan ay ang mag-uudyok sa nalalapit ng tagumpay at pwersa ng bawat indibiduwal. Sampal marahil ito sa ideolohiyang idealistiko. Dahil minsan nagiging madalas ang pagmamadali at ang pagmamahal sa mga gawa-gawa at artipisyal na kasiyahan.


Payo lamang mula sa danas at dahas ng panahon. Huwag agaran ang reaksyon ng apoy sa tubig, sapagkat anumang init nito madampian lamang ng likido ng tubig ay tiyak mawawalan ng saysay at tuluyang maapula.


Kultura na marahil sa iba ang pagkakakabit sa sa ugaling ng mga makataong gawa, isaisip na lamang na sa anumang butas tapalan mo man ay may tagas. Isang Monumental na penomenang kanser ng budhi.


Bigyang ligaya ang puso, makamtan lamang ang kasiyahang nararamdaman ng isang bata. Sapagkat isa sa mga batas ng agham ay anumang ibinababa ay itataas.

Comments


bottom of page