top of page

Sentro ng Wika, Kultura at Sining (SWKS) nakalagak sa apat na kampus ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA)

Nina Dr. Leopoldo R. Transona, Jr. at Dr. Christian C. Vega


Sa bisa ng pinagsanib na Memorandum ng Unawaan sa pagitan ng Komisyon ng wikang Filipino (KWF) at ng Central Bicol State University of Agriculture at isinasaad sa BOR resolusyon bilang 18 serye ng 2023 sa ilalim ng memorandum No. 03-051 mula kay Pangulong Alberto N. Naperi, DPA. Pinagtibay at inaprubahan ang pagkakaroon ng Sentro ng Wika, Kultura at Sining (SWKS) sa lahat ng kampus ng CBSUA na pinamumunuan ng kanilang Direktor na si Dr. Leopoldo R. Transona, Jr. kasama ang mga Punong yunit ng iba’t ibang kampus mula sa Calabanga ay si Dr. Christian C. Vega, Pili kampus- Dr. Raquel M. Reapor, Pasacao kampus-Dr. Elma A. Rosales at ang Sipocot kampus na si Gng. Mercy Almonte. Tungkulin at gampanin nito ang mga sumusunod:


1) Mangasiwa at isulong ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino ng mga aktibidad, gaya ng kumperensiya, seminar, palihan, gawad, timpalak, at katulad para sa pagpapalaganap ng wikang Filipino nang may kaukulang pahintulot ng Komisyon;


(2) Lumahok at kung maaari ay manguna sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito;


(3) Magsagawa ng mga proyekto sa saliksik, pagtitipon, at pagtatanghal ng wika at kultura ng naturang pook;


(4) Magtatag ng matalik at mabisang ugnayan at pakikipagtulungan sa mga organisasyon at institusyon sa loob at labas ng unibersidad, lato na sa DepEd, CHED, TESDA, DOT, NCIP, DILG, people’s organization ng mga katutubo. at LGUs sa pamamagstan ng Indigenous People’s Mandatory Representative (PMR), tungo sa katuparan ng mga adhikang pangwvika at pangkultura nito;


(5) Magtaguyod sa lahat ng kampanya at proyekto ng KWF, lalo na sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at sa pangangalaga sa kapakanan ng mga guro sa Filipino


(6) Bumuo at mangasiwa ng mga organisasyong pangwika, sining at kultura tulad ng;


a. Samahan ng mga Tagapagtaguy ng Filipino at Panitikan.


b. Siklab - Sining, Kultura, Likha at Alab ng Buhay na kumakatawan sa musika, biswal sining, sayaw, literari, teatro, pelikula at media arts.


(7) Magsagawa ng mga pagpaplano at/o pulong hinggil sa pananaliksik ng mga usaping kultural, pang-wika,sining at mga paglahok sa iba’t ibang kompetisyon o paligsahan;


(8) Makapagorganisa ng mga presentasyon, konsyerto at iba pang pagtatanghal sa Unibersidad maging sa iba pang entablado ng ibat-ibang institusyon;


(9) Maipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino, sining at kultura hindi lamang sa Unibersidad maging sa buong kapuluan ng Rehiyong Bikol;


(10) Patuloy na isagawa ang mga kaukulang proyekto ng SWKS, alinsunod sa mga mandatong programa ng CBSUA batay sa misyon at bisyon nito.


Sa lahat ng mga nagsusulong, nagmamahal at malasakit sa mga usaping pang-wika, kultura at sining bukas ang SWKS para sa anumang kolaborasyong proyekto, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng SWKS na nakalagak mula sa iba-ibang kampus.

Comentários


bottom of page